Patungo Sa Dilim
Kaya mo ba maging ilaw
Para magbigay liwanag?
Kaya mo bang tumulong
Sa tuwing may tumatawag?
Nais mo bang mag-iwan
Ng lamat sa kasaysayan?
Ang gumising sa natutulog
Nilang kamalayan
Huwag nang maghintay
Simulan maging boses nila
Kabutihan ang dalhin
Patungo sa Dilim
At ikaw ang alon na magdadala ng sagot sa gitna ng ligalig at gulo
Ang bawa’t kilos mo, ang magwawakas sa giyera na sila ang may gusto
Handa na ba kayo?
Nais mo bang maging pakpak
Para sa di makalipad?
Nais mo bang maging mata’t bibig
Ng pipi at bulag?
Tanggalin ang piring sa mata
Ng karamihan
Gulatin ang mga nasa pwesto
Ang mga makapangyarihan
Silang mga sakim.
Sa yaman ay lasing
Ang kanilang bakas
Sa limot ilibing
Sa mundong bulag
Hawak natin ang sinag
Labanan ang talim.
Patungo sa dilim.
Music: J. Constantino
Lyrics: R. Africa
Arrangement: T. Marcelino, E. Perlas, P. Eusebio