KKK

Wala sa ating maililigtas Lahat tayo ay may krus na dala

Mga pagod sa prusisyon na tayo rin ang may gawa

Sisihin natin ang sarili

Araw-araw may dinadala sa kalbaryo ng pighati

Sobrang bigat sa kaluluwa ang sakit na walang patid

Sugat na tayo rin ang may gawa

Sa lahat ng mga nasawi isigaw nang sabay-sabay

Krus Kanya-kanyang krus Sapagkat tayong lahat may kanya-kanyang krus

Ramdam mo ba ang hapdi dumadaloy sa iyong mukha?

Parang ‘di na bubuti pa at lalo pang lumulubha

Sa sariling luha nalulunod

Sawang-sawa sa nang-aapi Sa mga naka-aangat

Silang sakim na ayaw papigil hangga’t ‘di nakuha ang lahat

Sa kapangyarihan sila’y nasilaw

Sa mga lahat ng nasawi isigaw nang sabay sabay

Krus Kanya-kanyang krus Sapagkat tayong lahat may kanya-kanyang krus

Lalo pang bumibigat sa bawat araw na nagdaan

Madilim na landas ang iyong sinusundan

Ngayong gabi kasama ko ang mga sawi

Bawiin mo ang nawala sa nakaw mong sandali

Oras nang kumawala sa krus

Kanya-kanyang krus Sapagkat tayong lahat may kanya-kanyang krus

 

Music: K. Cambaliza, P. Eusebio, R. Africa, J. Constantino

Lyrics: R. Africa