Alay
Dala ko kayo sa isipan,
pagmamahal na walang hanggan
Di na baleng masaktan basta’t alam ko kayo’y nandiyan
Lalo lang lumalakas, sa mata ng nang-aapi
Di nila kayang tapatan, tayo pa rin ang magwawagi
Alay ko sa inyo
Lalaban ako hanggang sa dulo, magbabalik ako sa piling n’yo
Alam kong may hangganan ‘to
Ang lahat ng paghihirap ko
Hapding dala ng araw, napapaso ang balat
Bawat sugat ay iniinda, wala sa ‘ting bibitaw
Alay ko sa inyo
Lalaban ako hanggang sa dulo, magbabalik ako sa piling n’yo
Alay ko sa inyo
Mga sugat ko ay maghihilom, magbabalik ako sa piling n’yo
Di magpapapigil ang pangarap na dala
Sa akin nakasalalay ang kinabukasan nila
Lalong tumitibay alam ko sila’y nandyan
Di magpapatalo sa mga hamon ninuman
Magbabalik ako sa piling n’yo
Lyrics: Africa
Music: Constantino, Marcelino
Arrangement: Cambaliza, Eusebio