New single is out!
After “From The Shadows” comes another single from us to you. Entitled “Mahirap Mahalin” it speaks of current injustices that we as a people experience on the daily. Lyrically depicting our “Inang Bayan” who faces abuse and violence in the hands of our leaders, this is probably one of our realest songs to date. Musically done by Kaloi, Paul, Jordan and Tatel, the song’s lyrics is done by Rogel.
He explains:
“Nangyari lang talaga na tungkol doon yung kanta e. I was conversing with a good friend about actually moving to another country and leaving the Philippines saying:”Tangina men, ayoko na dito ang hirap mahalin ng Pilipinas.” But then it occured to me that we are all at fault. Our leaders to a deeper degree but we are all responsible on why we suffer the way we do.
Bottomline is that we still love her and yes, that won’t change.”
Is it a love song? Probably. In a metaphorical sense. Stream it now.
Mahirap Mahalin
Nasasakal ka na, ano ang dapat kong gawin
Masakit makita na iyong leeg may nakatutok na talim
Minamahal kita, sa puso ko’y dala
Sa tuwing nagpupumiglas
Nasusugatan ka
Sinasaktan, dinudusta, ang iyong pangalan
Dinadala sa putikan, minamahal kong bayan
Sa katunayan nga, mahirap kang mahalin
Bayan kong inabuso ng mga salarin
Mahirap mahalin, bansang nasasakdal
Hangga’t sila’y makapangyarihan di tayo magtatagal
Sinasaktan, dinudusta, ang iyong pangalan
Dinadala sa putikan, minamahal kong bayan
Ang dati mong ganda, naglalaho na
Inaabusong kapangyarihan, may matitira pa ba
Hangga’t may kamay na bakal na sumusuntok sa kanyang dibdib
Hangga’t may mga dilang anghel na may garote sa kanyang leeg
Alam kong marami sa atin ang pagod nang ipaglaban siya
Sa huli kung walang kikilos, sama sama tayong tutumba
Di kami papayag
Di kami papayag, walang galang sa ama
Di mo na masasaktan, ang aming ina
Di mo na masasaktan, ang aming ina