Itim

Gaano kadalas ang minsan na tayo’y nalinlang?
Silang kampon ng itim, mga kaluluwa’y halang
Saan ba tayo papunta? Ang bayan nilimot nila
Baliktad na ang krus at bituin
Bandila na kulay itim

At dumanak ang pula sa isla nang di magkaisa
Kapatirang nabuwag dahil diyos nila’y magkaiba
May bukas pa ba sila? May aasahan pa?
Lahat ng nilikha ay sinisira nila
Ang giyera nating lahat sa mundo na mapanglaw
Ang mga biktima, ako, sila, ikaw

Baguhin natin ang mali ng nakaraan
At wala nang masasaktan
Kalimutan natin ang galit na naghahari
Huwag na nating balikan

“Mula noon hanggang ngayon, ang galit mula sa aking ama
Ito rin ang magpapaandar nitong itim na makina
Na tuluyang kikitil ng buhay mo at iyong mag-ina
Ng iyong mga kadugo, uubusin ko sila”

Sa bayan na inaagnas, ang dugo’y umaagos
Meron bang nagwagi? Di na matatapos
Ang giyera nating lahat sa mundo na mapanglaw
Ang mga biktima, ako, sila, ikaw

Baguhin na ang mali ng nakaraan
At wala nang masasaktan
Kalimutan na ang galit  na naghahari
Huwag na nating balikan

Music: J. Mendoza
Lyrics: R. Africa
Arrangement: P. Eusebio, J. Constantino, T. Marcelino, E. Perlas