Luha Ng Kaaway
‘Di magpapatalo sa paglalakbay
Hangga’t di mo naiinom ang luha ng kaaway
‘Pag napawi ang abo, tayo ang matitira
‘Pag napawi ang abo, tayo ang matitira
Maraming pinatunayan, maraming dinaanan
Binagyo at sinunog walang sugat na nagmarka
Binaha at nilunod
Tuloy pa rin ang paghinga
Hinugis ng bakal at apoy
Puso ay pinatibay ng ulan ng bala
Ito ay koro ng inaapi
At awitin ng magwawagi
‘Di magpapatalo sa paglalakbay
Hangga’t di mo naiinom ang luha ng kaaway
Sa awit ng demonyo, hindi ka sasabay
Ang papawi sa pusong uhaw ay luha ng kaaway
Walang sinuman ang makakapigil
Sa lait nila ‘di pasisiil
Martilyong babasag sa ilusyon
Pinatibay ng paglipas ng panahon
Hawak mo ang tropeo
ng kanilang pagkamuhi
Hawak mo ang tropeo
ng kanilang pagkamuhi
Wala paki kung ‘di sumikat
ang araw sa takipsilim
Galit nila ang bumubuhay
sa katawan mong mortal
May rason talaga kung bakit
‘di sila nagtatagal
Hinugis ng bakal at apoy
Puso ay pinatibay ng ulan ng bala
Ito ay koro ng inaapi
At awitin ng magwawagi
At luluha pa kayo
–
Music: Constantino, Borreros, Eusebio