Boses
Ang boses ko ay boses mo, boses nating lahat
Ang daming sinasabi ng iba, na laban sa iyong gusto Uhaw sa kalayaan na hinahanap mo
San ka humuhugot ng lakas? Wala namang nakikinig Itong tunog ay iyong sandata Mga kataga sa iyong bibig
Mapanirang kababayan na sanay sa kababawan Sumisigaw sa kuwartong binalot ng dilim Sobrang ingay ba para sa kanila? Dapat gamitin upang makagising!
Ang daming sinasabi ng iba, na laban sa iyong gusto
San ka humuhugot ng lakas Wala namang nakikinig Itong tunog iyong sandata Mga kataga sa iyong bibig
At mararamdaman nila kung anong totoo, sa bawat sigaw
San ka humuhugot ng lakas Wala namang nakikinig Itong tunog ay iyong sandata Mga kataga sa iyong bibig
Sa mundong bingi na sa boses mo May mga nakikinig pa rin sayo San ka humuhugot ng lakas? Ngayon alam mo na!
Ang boses ko ay boses mo, boses nating lahat Ika’y laging maririnig gamitin ang iyong tinig…
–
Music: Eusebio, Constantino, Borreros