Markang Bungo
Ang bawat araw mo dito sa mundo
Meron bang kahulugan? meron bang pupuntahan?
Sa bawat takipsilim
Sa pagpikit ng iyong mata
Sa bawat gabing walang awa
Mga araw ng pandudusta
Hindi ka na nag iisa sa laban ng kaluluwa
Sulitin ang bawat hinga – markang bungo
Tibok ng puso ay may rason
Ikaw ay hinubog ng panahon
Ikaw ay kulog at kidlat
Nasusunog na silang lahat
Binabasag ang bawat balakid
Kapalaran sa iyo ay papanig
Ambag mo’y mararamdaman
Di ka malilimutan
Hindi ka na nag iisa sa laban ng kaluluwa
Sulitin ang bawat hinga – markang bungo
Ang buhay natin ay panandalian lang
Mabilis man ito ngunit may kahulugan
Hindi ka na nag iisa sa laban ng kaluluwa
Sulitin ang bawat hinga – markang bungo
Bigyan na natin ng rason
Ang noon at ngayon
Di na mababalewala
Binabasag ang bawat balakid (Hindi ka na nag iisa)
Kapalaran sa iyo ay papanig (Sa laban ng kaluluwa)
Sulitin ang bawat hinga – markang bungo
Music: K. Cambaliza
Lyrics: R. Africa
Arrangement: K. Cambaliza, P. Eusebio