Maskara
Sa paningin nila, ikaw ay nag iisa
Napapansin ang kahinaan mo
Ngunit di nila alam ang lakas na iyong taglay
Bakit ka naka-balatkayo?
Bawa’t lukso ng dugo na dala ng luha mo
Ang magbabanlaw sa mga sugat mo
Tanggalin ang maskara
Sa dilim nagtatago dahil ‘di nila tanggap
Basagin ang imaheng mali at pagpapanggap
Di ka nila gusto dahil ikaw ay totoo
Dahil nagiisa kang naninindigan sa paniniwala mo
Sino ba sila para ikaw ay husgahan?
Ang katotohanan ba ay nasaan?
Huwag nang maghintay
Ibahin isabuhay ang istorya mo
Dapat mamatay
Tanggalin ang balatkayo- ang iyong maskara
Merong takip ang mga mata, nabulag sa nagaganap
Walang kinabukasan at wala ring hinaharap
‘Yang galit mo, sa nakaraan, sa limot ibaon
Panghihinayang at pagsisisi ang sumisira sa ngayon
Asahan mong di na maibabalik
Tigilan mo na ang iyong pagkukunwari
Huwag nang maghintay
Ibahin isabuhay ang istorya mo
Dapat mamatay
Tanggalin ang balatkayo, ang iyong maskara
Saan? Kelan? mo ba matatanggap ito?
na higit ka pa sa inaakala mo
Huwag mong sayangin ang iyong pagkakataon
Matatandaan ka nila sa paglipas ng panahon
Huwag nang maghintay
Ibahin isabuhay ang istorya mo
Dapat mamatay
Tanggalin ang balatkayo
Ang lakas mong taglay, nasa sa iyo
ang kinabukasan mo
Dapat mamatay- tanggalin ang balatkayo
Ang iyong katapangan ang babasag (Mananatili ‘to)
Ang gigising sa mga patay ang diwa
Lipas na ang araw ng lumang pagkatao mo
Kalabanin ang sarili, bago ang mundo
Lyrics: R. Africa
Music: K. Cambaliza
Arrangement: J. Constantino, P. Eusebio