Rehas (Magdusa Ka)

NAKAKULONG NGUNIT MALAYA
ALIPIN NG KASARINLAN
NATALI SA KAMUNDUHAN
WALA NA ‘TONG KATAPUSAN

SA ATENSYON KA NABUBUHAY
WALA NANG NAIWANG DANGAL
ANG PAGTANGGAP NG KARAMIHAN
AY MAY PANGIT NA KAKAMBAL

SA REHAS KA MAGDUSA

KINALAWANG NA PANINIWALA
MATANG PUTI, BLANGKO ANG KANYANG TINGIN
MAY MALASAKIT PA BA SA SARILI
NILULUNOK BASAG NA SALAMIN

WALA KANG IBANG GINUSTO
KUNDI PURIHIN NILA
DI MO NAMAMALAYAN NA
NAGIGING ALIPIN KA NA

SA ATENSYON KA NABUBUHAY
WALA NANG NAIWANG DANGAL
ANG PAGTANGGAP NG KARAMIHAN
AY MAY PANGIT NA KAKAMBAL

ALIPIN KA, WALA NANG IBA
NAKAREHAS ANG KALULUWA

KADENA SA IYONG LEEG
DI MAKAKILOS
SINO BA TALAGA ANG MAY GAWA
ANG MAY GAWA NG PAGDURUSA MO
WALA NANG IBA KUNDI IKAW
IKA’Y NASUSUNOG UNTI-UNTI
AT ANG KUMPIYANSA MO
KUMPIYANSA MO SA SARILI

KINALAWANG NA PANINIWALA
MATANG PUTI, BLANGKO ANG KANYANG TINGIN
MAY MALASAKIT PA BA SA SARILI
NILULUNOK BASAG NA SALAMIN

NAKAKULONG SA SILID NA MADILIM
NG ISIPAN MONG KINAKALAWANG NA RIN
NA PARANG MGA REHAS NA IYONG KAHARAP
DI MAWARI ANG MGA NAGANAP
BAKAS ANG LUNGKOT SA IYONG PAGMUMUKHA
ALIPIN KA NG SARILING SUMPA