Sa Aking Mga Kamay
Labintatlong taon, na di nagsalubong, ang init at ang pagtingin, hanggang ngayon nag-aantay pa rin.
Ilang araw ang nagdaan, na nais kang hagkan, ngunit di pinagtagpo, ang ginto naging tanso.
Dito sa ‘king mga kamay, mga galos ng paghihintay, umaasa pa rin.
Mula sa isang halik, pero di na babalik, mahirap man tanggapin, pinilit kong tiisin
Mga marka ng kawalan, sa lungkot ay tinablan, gabi gabing lumalaban, sa alaalang di maiwan.
Dito sa ‘king mga kamay, mga galos ng paghihintay, umaasa pa rin.
Di ako mapalagay, ang storyang di namamatay, humihinga pa rin…
Panahon lang ang makakapagsabi, at di natin alam
Kung bakit ba nangyari, at di makaramdam
Pagod ba at manhid, sa tadhanang mailap
Ang nais ng kalangitan di ko matanggap
Dito sa ‘king mga kamay, mga galos ng paghihintay, umaasa pa rin.
Di ako mapalagay, ang storyang di namamatay, humihinga pa rin…
Balang araw malalaman natin kung bakit di nakamit
Sa mga panaginip tayo’y nakakapit
Walang kapantay na pang-aasam
Dahil panahon lamang ang tanging may alam
Music: J. Mendoza
Lyrics: R. Africa
Arrangement: J. Constantino, P. Eusebio, E. Perlas