Simula
Bigo, sa umagang luhaan,
walang malugaran
Pag mundo mo ay lugmok,
at ikaw ang talunan
Baguhin ang landas,
humarap sa liwanag
Kahit umaga mo ay di mo maaninag
Sabihin mo sa akin kung anong nakita mo Para bang may salamin na nakaharap sa iyo
Lubog sa luha mo,
sa parusa ng tadhana
Mga kamay nakagapos
at tila di mo kaya
Maniwala sa sarili,
subok na kakayahan
Oras nang lumaban,
at dapat simulan
Sabihin mo sa akin kung anong nakita mo
Para bang may salamin na nakaharap sa iyo
Iwanan ang pagkakamali
Yakapin ang bawat sandali
Bumalik sa simula
Ikaw,
ako,
tayong lahat
Maniwala sa sarili
at mga pinaglalaban
Oras ay tuloy tuloy
at tayo’y iiwanan
Kung di magbabago,
mauuwi sa kadiliman
Maging instrumento ng pagbabago
Bumalik sa simula
Music: J. Constantino
Lyrics: R. Africa
Arrangement: P. Eusebio T. Marcelino E. Perlas